Hindi lang po ito isang economic measure o pagpapataas ng kita ng gobyerno, kundi pamumuhunan sa kalusugan at nutrisyon ng ating mga kababayan, lalo na ng mga bata. Isa itong makabuluhang hakbang para maiwasan ang obesity, diabetes, sakit sa puso, at iba pang karamdaman na maiuugnay sa sweetened beverages.
Para sa kalusugan, nutrisyon at de-kalidad na serbisyo para sa mga Pilipino, pass HB 5003 now!

