Featured image of post HR 413: De Lima Seeks Probe On  Alleged Illegal Mining in Dupax del Norte

HR 413: De Lima Seeks Probe On Alleged Illegal Mining in Dupax del Norte

This must be investigated immediately.

Ang panawagan: Itigil ang sinasabing ilegal na pagmimina sa Dupax del Norte. Bakit ang mga kilos protesta ang pinahihinto?

Tubig, lupang kinatatayuan ng mga tahanan at mga komunidad, kabuhayan at kinabukasan ng ating mga kababayan sa Nueva Vizcaya ang apektado dito. Hindi pwedeng ipagsawalang-bahala o isantabi ang mga ito sa kahit anumang pinapasok na kasunduan ng gobyerno. Walang kita o sinasabing pag-unlad ang makatutumbas sa buhay at ikinabubuhay ng mga apektadong komunidad na nalalagay sa peligro dahil sa ilegal na pagmimina.

Novo Vizcayanos should not be silenced in asserting their rights. Their complaints must be heard and addressed.

Aanhin ang benepisyong ipinapangako ng mga pagmimina kung ngayon pa lang, winawasak na ang kalikasan, kabuhayan at komunidad ng mga pinapangakuan nito, lalo na kung sa pagkawasak ng kalikasan, may mga sakunang kumikitil ng mga buhay at mga pangarap ng maraming pamilya.

Built with Hugo
Theme Stack designed by Jimmy