Featured image of post Fact Check

Fact Check

Parang kabute na namang sumusulpot yung lumang isyung ibinabato sa akin—yung 2015 COA audit report tungkol sa confidental funds at unliquidated cash advances ng DOJ during my term as then Justice Secretary.

Matagal na itong nasagot ng DOJ. COA na mismo ang nagsabi na naresolba na ito sa kanilang 2016 at 2018 reports. Wala nang naging kwestyon o iba pang naging puna dito ang COA.

Simple lang din po: Hindi rin ako mabibigyan ng clearance nung nag-resign ako as DOJ Secretary noong 2015 to run for Senator kung hindi pa ito naresolba.

The COA and DOJ Finance Department can attest to these facts.

Paulit-ulit na lang ito at wala namang bago. Nakakatawa lang din dahil everytime maugong ang balıta tungkol sa hindi pagharap o pagpapaliwanag ni VP Sara Duterte ukol sa budget ng OVP, isa na dyan nung kasagsagan ng impeachment case laban sa kanya, at ngayon na pinatapyasan natin ang budget ng OVP dahil sa pambabastos nya sa Kongreso at sa ating Konstitusyon, inilalabas ito ng mga trolls at malisyosong mga page.

Hindi na rin naman ito nakapagtataka dahil matagal na nila itong taktika—ang pagpapakalat ng fake news at pagbabato ng putik para magpalito sa publiko, magpalabo sa diskurso at nang malihis tayo sa tunay na isyu ng katiwalian.

We are thankful for the clarifications released by ABS-CBN News in December last year and Vera Files last August 2025 when this issue was once again brought up by attention-seekers and questionable personalities. Pare-parehong mga trolls ito—totoong tao man o gawa-gawang accounts—na pare-pareho ang pinapakalat na script ng kasinungalingan.

Let us stay focused and vigilant. Let us fight fake news and disinformation. Let us not be deceived or distracted from our objective to seek truth and accountability.

Have a blessed Sunday, everyone, except sa mga trolls and fake news peddlers!

READ:

https://verafiles.org/articles/fact-check-marcoletas-revelation-not-new-dojs-2015-confidential-funds-issue-resolved

https://www.abs-cbn.com/news/nation/2024/12/21/fact-check-kailangan-ng-konteksto-ang-mga-bagong-post-ukol-sa-confidential-funds-ng-doj-noong-2015-1546?fbclid=IwY2xjawNa8ntleHRuA2FlbQIxMABicmlkETFMck9UdThzdzJrMWJqVENEAR4SBC4ubNoqPOfsfRa83dYkO031_7L69yH4heSuiThZPqXCgrzzjsVyVAJhPA_aem_es6Z1xFy8mnnF4n3xZK1fA

Built with Hugo
Theme Stack designed by Jimmy