Our prayers and condolences go out to the family and loved ones of broadcaster Noel Bellen Samar.
It is deeply enraging and alarming that another journalist has been killed in broad daylight. Malinaw na may mga hindi takot pumatay at magpapatay sa bansang ito. Talamak pa rin ang karahasan at panggigipit sa mga mamamahayag. Nagpapatuloy pa rin ang kawalan ng pananagutan.
We stand in solidarity with the media community in Bicol and with journalists across the country in seeking justice for Noel Samar. His killing must not become just another statistic in the long list of slain journalists and unresolved cases involving media practitioners.
Nananawagan tayo sa administrasyon ni Marcos Jr.: Iparamdan naman nito hindi lang sa salita, kundi sa gawa, ang pagkondena sa ganitong karumal-dumal na krimen—sa pagpaslang sa mga kawani ng media na pagkitil din sa malayang pamamahayag. The government cannot remain soft and complacent in the face of this continued culture of violence and impunity.
Hangga’t nagpapatuloy ang panggigipit at karahasan sa mga mamamahayag, hangga’t hindi napapanagot ang mga saların, hangga’t kitang-kita ang kawalan ng political will para wakasan ang kawalan ng pananagutan, lalong lumalakas ang loob ng mga mamamatay-tao at mga gustong magpatahimik sa mga kritiko, tagapagsiwalat ng katotohanan at katiwalian, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Hustisya para ki Noel Samar!
